Elbi Beybeh
BigbadwolfNakapasok ka na ba sa klase mo ng hindi pa naliligo o nagtu-tootbrush man lang? Pumasok ka na ba ng nakapambahay na damit ka lang? Pumasok ka na ba sa klase mo nang amoy alak ka pa? Ilang beses ka hindi nakapasok sa 7:00 am class mo dahil pinadlock ng mga tibak ang mga entrances sa mga buildings sa lower campus? Nakapag-aral ka na ba mere days before your exam? Eh the night before your exam? Eh an hour before your exam? Nag-inom ka na ba the night before your exam? Eh right before?
Sa loob at labas ng class room, may matututunan ang isang iskolar ng bayan. Sa UPLB, masasabi kong totoo yung previous sentence. Sa UPLB, matututunan mong mahalin ang buhay. Yan ang maipagmamalaki ko sa mga taong nagtatanong kung may TV ba daw sa elbi. Malayo kami sa masasabing kabihasnan. Pero sa elbi nabubuo ang pagkatao namin. Nahahasa ang utak. Tumatatag ang prinsipyo. Nabubusog ang kaluluwa. Ang puso, minsan humahalakhak, minsan lumuluha.
This work is licensed under a Creative Commons License.
Recent Posts
Bleeding MaroonThe story so far
September 2004