Good guys
Hindi maganda ang naging simula ng weekend ko. Nung Biyernes, tinamaan ako ng trangkaso, at hindi ako nakapasok sa opisina. Na hindi naman problema, dahil matagal-tagal na akong hindi hindi-pumapasok sa opisina (kahit Sabado at Linggo). Sabi na lang siguro ng katawan ko na kailangan ko na talaga ng pahinga.
Na hindi naman nangyari, dahil nang Biyernes ng gabi (actually Sabado na nang madaling-araw, mga 1am), may tumawag sa akin, merong emergency sa opisina. Hindi naman ako pinapunta sa opisina, pero pumunta pa rin ako para masiguro na maayos na ang lahat.
Feeling ko responsable talaga ako, dahil kasalanan ko yung nangyari. Kung kwinento ko sa 'yo yung nangyari, sasabihan mo rin ako ng, "EH KUNG HINDI KA BA NAMAN ISA'T KALAHATING TANGA..."
Nakakatawa, usually, nasasabi lang yun sa akin pagkatapos kong magkwento tungkol sa katangahan ko sa panliligaw...
Umayos naman ang weekend kahit paano. Lumabas kami ng mga kabarkada ko galing high school para i-celebrate ang birthday ni
Alekos. Nag-dinner kami sa Bodhi, yung vegetarian restaurant, sa may Greenhills. Maayos naman yung pagkain, pero buti na lang isang beses lang sa isang taon mag-birthday si Alekos.
Mukha namang masaya yung mga tao eh.
Ang superfriends, pero dahil nasa Ohio si Jona, si Urk na yung pumalit. Jona, tiwalag ka na raw. Pagkatapos ng dinner, umuwi na si
Aissa (dahil may asawa na siya, kasama nga namin nung dinner) at si
Sarah (dahil ba mag-aasawa na rin siya?), habang naiwan kami para mag-inuman. Sa paghahanap ng lugar, nakarating kami sa Salo sa may malapit sa ABS-CBN.
Tulad nang nakakagawian tuwing nag-iinuman, napunta ang usapan tungkol sa lovelife. Nakakatawa yung hirit ni Joan, na isang law student, tungkol sa mga plano niya pagkatapos niyang mag-graduate next year.
Joan: "Hindi muna ako magba-bar exams, mag-aasawa muna ako."
Us: "Uh, Joan, 'di ba wala ka namang boyfriend ngayon?"
Joan: "Bah. Details."
Tapos pumunta ang usapan tungkol sa mga theory ni Jonas tungkol sa mga relationships. Pinipilit niya kasi na ang number one na hinahanap ng babae sa isang relationship, more than anything else (taena, kaya nga number one eh), security.
May point naman siya. Pero kami ni Alekos, tumatawa na lang kami (sabay calculate kung kelan namin makakayanan
bumili ng kotse).
Tapos maya-maya, uwian na. Bago tumayo, sabi ko na lang kay Alekos, "Sa huli, pare, mananalo tayo. Alam mo kung bakit? Kasi tayo ang good guys."
Lasing na ako nun.