Bitter Ocampo
Sinulat ni
Bill Simmons:
[It] was like talking to a beautiful girl at a bar for 10 minutes, then having them casually mention their boyfriend out of nowhere, and you feel like you've been punched in the stomach. You know that phenomenon?
Bini-bring up ko 'to dahil mga ilang linggo na ang nakakaraan, nangyari ito sa akin. Kasama ko ang isang kaibigan sa inuman at may pinakilala siyang kaibigan, na umupo sa tabi ko. Natuwa naman ako kasi type ko, tapos maayos naman yung usapan namin, tanungan kung saan ang trabaho, kung ano ang mga gustong pelikula, mga tipong banda, etc. Mga 15 minutes din siguro kaming magkausap. Tapos tinanong ko kung paano niya nakilala yung kaibigan ko, so sinabi niya, "Ahh... kabarkada siya nung college ng boyfriend ko."
Tanginang yan.
Anyway, nagkita ulit kami nitong babae kailan lang, at yinaya niya akong kumuha ng beer at uminom sa tabi niya. Nagpaalam na lang ako politely, at sinabing hindi na ako iinom dahil paalis na ako.
Pero sa loob-loob ko, ang gusto ko talagang sabihin, "Heh! Punyeta, dun ka sa boypren mo makipag-inuman."
Labels: hehehe