Kaninang umaga, sa taxi papuntang trabaho, narinig ko sa radyo na birthday ngayon ni Michael Jackson. Kahit hindi ako kasing-laking fan ni Michael Jackson katulad ng iba kong kaibigan (meron akong kabarkada na nagsuot ng MJ-style jacket with the gold trimmings nung junior prom), naalala ko na 'Thriller', sa kanyang dance beat at nakakatakot na voice-over sa huli, ang unang kantang naging paborito ko bilang bata. Well, yun at yung theme song ng Eat Bulaga.
Pero marami nga akong kaibigan na fan ni Michael Jackson. Naalala ko pa nga, isang gabi sa freshman dorm sa Pisay dati, nagkaroon ng malaking crowd sa harap ng TV nang ipalabas ang isang concert special ni Michael Jackson.
Nakakalungkot isipin na ang impression na ngayon ng mga tao kay Michael Jackson ay bilang isang weirdo. Parang halos walang interes sa kanya, hindi tulad ng ibang mga pop culture icons ng nakaraan, na halos na-de-deify na pag pinag-uusapan ngayon, mga tao hindi naging kasing-sikat o influencial ni Michael Jackson sa kasikatan niya. Sayang, 'di ba, isipin mo, lalaki ang mga bagong henerasyon na hindi man lang malalaman kung gaano ka-astig si Michael Jackson.
Matanong ko nga, ikaw ba, ano ang paborito mong kanta ni Michael Jackson?