Hanggang kailan ka ba maghihintay, hindi ka ba nagsasawa Inday?
May ilang linggo na ang nakaraan, nanood kami ng mga kaibigan ko ng gig sa 70s Bistro, kung saan tumugtog ang Sponge Cola at Sugarfree. Unang pagkakataon namin panoorin sa Bistro ang Sponge Cola, at pinili talaga namin ang gabing yun dahil kasama namin ang isang officemate na boyfriend ng isang miyembro ng banda.
Nag-enjoy naman kami sa set ng Sponge Cola, kahit halata na hindi sila sanay tumugtog sa mas intimate na setting ng isang bar gaya ng Bistro. Samantala, bawing-bawi naman kami sa Sugarfree, dahil game na game si Ebe na tumugtog. Hindi ko alam kung dahil Sponge Cola crowd ang laman ng bar, pero parang kami lang ang game din makipagkulitan sa kanya. Nang manghingi siya ng mga request na kanta sa audience, kami lang yung sigaw ng sigaw.
"Landslide!"
"
I took my love and I took it down, climbed a mountain and turned around, then I saw my reflection in snow-covered hills..."
"Fake Plastic Trees!"
"
Her green plastic watering can, for her fake Chinese rubber plant, in the fake plastic earth..."
"El Bimbo!"
"
Kamukha mo si Paraluman, nung tayo ay bata pa..."
"Crazy for You!"
"I'll do you one better:
Sorry, is all that you can't say, years gone by and still, words don't come easily, like sorry..."
"Ipagpatawad!"
"Huh?
Ipagpatawad mo, aking kapangahasan... Naglolokohan na tayo rito ah.
Binibini ko, sana'y maintindihan..."
Pinagbigyan niya ang huling request namin (
All I Want Is You ng U2) kapalit ng isang San Mig Light sa bucket namin, na masaya naman naming ibinigay.
Pati yung mga Sugarfree songs, binigyan din ng bagong mga twist. Sa bandang huli ng "Prom", bigla na lang kumanta si Ebe, "
We're the king and queen of hearts, hold me when the music starts... (dahil "Prom" nga naman). Sa kalagitnaan naman ng "Burnout", bigla siyang bumanat ng "
Bilanggo-oh... sa rehas na gawa ng puso mo..." Kung may pre-cursor nga naman sa pure Pinoy emo ng Sugarfree, ito ang pure Pinoy emo ng Rizal Underground.
Naalala ko nang huli kong mapanood si Mike Villegas (sa
isang gig ng asawa niyang si Bayang Barrios) na kumanta ng "Bilanggo". Bago simulan, nagpasubali muna siya, "I wrote this ten years ago for Bayang, nanliligaw pa lang ako sa kanya... hindi niya ako sinagot."
[
Rizal Underground - Bilanggo ]
Labels: music