Kitakits
Hayup talaga si Conrad:Me mga nagsasabi na hindi naman tayo nawalan ng tapang, nawalan lang tayo ng paki. Gano’n din ’yon. Kaduwagan din yon. O higit pa ro’n. Dahil ngayon hindi ka lang takot mamatay, takot ka pang mabuhay.
Bukas, maraming mga pagtitipon-tipon sa paggunita ng makasaysayang Agosto 21. Isa na dyan ay ang prayer rally sa Ninoy statue sa Ayala na gaganapin sa ika-3:00 ng hapon hanggang gabi. Na ang hiling ng mga organizers ay kung maaari ay magsuot ng dilaw ang mga tao para ipakita ang pakikiramay, pagpupugay, at pakikiisa kay Cory. Hanep din tayong Pinoy ano: Dilaw ang kulay ng kaduwagan sa ibang bansa, dilaw ang kulay ng katapangan sa ating bansa.
Pwede kang sumama rito at sumigaw ng “Tama na, sobra na, palitan na” para sa kinabukasan ng mga anak mo. Pwede kang sumama rito para magsabi kay Inang Bayan, “Hindi ka nag-iisa,” handa rin kaming mamatay nang dahil sa ’yo, at higit na handang mabuhay nang para sa yo. Pwede kang sumama rito para ipakita na hindi pa nawawala ang katapangan sa bayan ko, binihag ka, ang dugo ng mga bayani ay nananalaytay sa mga ugat mo.
O pwede kang huwag sumama rito dahil ang bukang-bibig mo ngayon ay hindi na “Hindi ka nag-iisa” kundi “Bahala ka sa buhay mo.” Pwede kang huwag sumama rito dahil marami ka pang mahalagang gagawin, kagaya nang manuod ng “G.I Joe.” Pwede kang huwag sumama rito dahil mas okay sa yo ang maging patay kahit buhay pa kesa maging buhay kahit patay na. Pero kung gano’n:
Mag-isa ka.
Labels: news and issues
This work is licensed under a Creative Commons License.
Recent Posts
ConradThe story so far
September 2004