Two-bottle limit lang tayo. After two bottles, wala na tayong limit
Nung Friday, kasama ko yung mga tao galing
from sa dati kong office. Masaya yung reunion namin, at matagal nang overdue, dahil hindi na kami nagkakasama-sama mula nung umalis kami sa office.
Si Edong, na recently lang umalis sa office, at yung guy na kasama niya (hindi ko maalala yung pangalan), last month lang ata pumasok. Kaya hindi ko kilala.
Si Augie, nakabola na naman, kasama yung date niya, si Kitchie.
Si Lovely, na matagal na raw nililigawan ni Arbie... kaya lang hindi gumagana yung da-moves niya, hehehe.
Si Augie, Kitchie, Aly, at
Frank.
Si Reggie at si Sam.
Si Selwyn, si Roel, at ang wife niya na si Eden. Si Roel yung presidente ng kumpanya nung pumasok kami ni Frank. Nung unang linggo namin dun, niyaya niya agad kami ng inuman. Naalala ko pa yung sinabi niya sa amin nun eh:
"Boys, two-bottle limit lang tayo. After two bottles, wala na tayong limit."
At tinuruan pa niya kami ng three lessons of life:
Rule No. 1 Wag na wag kang pahuhuli
Rule No. 2 Kung mahuli ka, wag na wag kang aamin
Rule No. 3 Kung umamin ka, wag na wag mo kaming idadamay
Si Rhea at si Jhermie. Si Rhea, kaklase rin namin galing sa LB, Computer Science din. Siya yung crush ko sa LB nung freshman ako. Pinapanood ko siya sa gym tuwing hapon, nagpa-practice siya sa streetdance ng "Cruel Summer" habang galing ako sa Tai Chi class namin nila Frank at
Celsus sa PE.
Tapos, niyaya ko pa nga siyang pumunta sa open house namin noon sa dorm, at tuwang-tuwa ako nung pumayag siya. Pinakain ko siya ng barbecue at chicharon.
Sabi ko nga sa kanya, siya yung Mikee Cojuangco ng buhay ko. Sayang nga lang, hindi ako ang Dudut Jaworski ng buhay niya.
(My gulay, 7 years na, circa 1998, pa yung joke na yun ah.)