Mas masarap magmahal ang taga-UP
Naaalala niyo ba si Lynne? Yung magandang babae na kasama palagi ni
Alekos sa mga picture na nire-request niyang
i-post ko?
Nakakatawa, kasi madalas siyang mag-forward sa akin ng mga text joke at inspirational messages na para bang year 2001 ngayon. Hindi pa niya siguro nakuha yung memo.
Hindi naman ako nagrereklamo. Natuwa pa nga ako doon sa isang ipinadala niya sa akin nung isang araw.
Bakit mas masarap magmahal ang taga-UP?
1. Kasi matiyaga
2. Kasi madiskarte
3. Kasi matalino
4. Magaling maglambing
And lastly...
5. Mabilis sa kamaTapos siyempre may karugtong.
Kapag matutulog. Laging puyat eh :pHindi ako sigurado kung bakit, pero naaliw ako rito sa forwarded message, pero sa tingin ko, may kinalaman rito ang pagiging stuck ng sense of humor ko sa
grade school level.
Pero hindi rin ako siguradong totoo yung nilalaman ng text message. Lately kasi, nagkaka-problema na naman ako sa pagtulog. Nagsimula yung paglala nito nung Huwebes nang gabi, nang magkayayaan kaming mag-inuman ng mga nag-gagandahan kong officemates na sina Bam,
Binky,
Darwin, at
Fay. Nakaubos ako ng dalawang macho (o mucho) mug, na tig-isang litro na beer ang laman.
(Buti na lang, wala na akong computer sa bahay, kung hindi, siguro nag-blog na naman ako nang nakakahiyang kwento tungkol sa mga babae sa buhay ko.)
Alas-kwatro na nang makarating ako sa bahay, at agad naman akong nakatulog. Ang problema, alas-siyete pa lang, nagising na ako, at hindi na ulit makatulog. Nag-antay dalawin ng antok habang nanonood ng TV, pero tinalo na ni Doogie Howser si Shannon Elizabeth sa Celebrity
Poker, hindi pa rin ako nakatulog. Maya-maya, oras na para kumain nang tanghalian, at pumasok na lang ako sa opisina nang halos walang tulog.
Maaga akong umalis ng opisina nung Biyernes. Dinaanan ako ni
Luz para sabay kaming bumisita sa PGH kay
Hannah at kay
Sam. Inabot kami doon ng alas-dos sa pakikipag-chikahan kay Han, na sinamahan namin sa pag-aantay kay
Mark.
Kahit madaling-araw na, nakahabol pa naman ako sa party ng boss sa Astoria Plaza ko nang mga alas-tres. Marami pa namang tao, at nakainom pa ako ng tatlong bote ng beer. Umabot ang party ng mga alas-sais, kung kelan nag-breakfast kami nina Binky at
Wanggo. Kailangan kong pumunta sa Megamall nang alas-dose ng tanghali
para kumuha ng mga libro, kaya naisip kong umidlip muna ulit sa taas. Hindi na naman ako nakatulog, kaya ginawa ko na lang ang ginagawa ng mga taong katulad ko sa ganoong sitwasyon: nanood ako ng
Gimik: The Reunion sa Cinema One.
(O baka kaya hindi ako makatulog, dahil nanood ako ng
Gimik: The Reunion sa Cinema One? Iniisip ko kasi talagang di hamak na mas maganda ang
Gimik: The Reunion kesa sa
TGIS: The Movie. Pero mas maganda pa rin ang
TGIS kesa sa
Gimik. Isipin mo, wala namang memorable na storyline sa
Gimik, samantalang sa
TGIS, naalala ko pa nung nangaliwa si Cris kay Mickey nung nasa States ito, at nung na-develop si Kiko at si Mich, at nung na-miss ni Wacks yung birthday party ni Peachy dahil kay Angel. Pucha, naaalala ko 'tong mga punyetang episode na 'to, pero di ko maalala yung ginawa ko twenty minutes ago.)
Nakauwi naman ako nang maayos, at buong Sabado ako natulog. Pero nagising ako ng Sabado ng gabi, at hindi na ulit makatulog hanggang Linggo. Nagbasa na lang ako ng libro hanggang tanghali ng sumunod na araw, at pagkatapos mananghali, pumunta ako sa Araneta para sana manood ng game ng Purefoods at Talk N Text. Pagdating ko sa coliseum, wala nang ticket, dahil hindi ko napansin na Ginebra pala yung first game. Dumiretso na lang ako sa opisina, kung saan tumambay at nagtrabaho ako hanggang alas-dos ng umaga. Pag-uwi, hindi na naman ako makatulog hanggang alas-singko nang umaga.
Nung Lunes, nagkita-kita kami nina Alekos,
Frank,
JAm,
Jem, at Ria, para bumisita ulit kina Mark, Hannah, at Sam sa PGH. Masaya naman ang bisita, kahit sandali lang kami doon dahil palabas na ng ospital ang Gamis family. Lahat naman kami ay may iba pang pupuntahan, tulad ko, na kailangan pang sumunod sa pamilya ko na bumisita na sa sementeryo. Sa sobrang antok, hindi ko na nakwento sa kanila yung business idea ko. Basically, magbebenta kami ng mga t-shirt na may naka-print sa harap:
Mas masarap magmahal ang taga-UP