Kotse, ulit
Nung isang gabi, kausap ko sa telepono yung nanay ko (kailangan eh, hindi kasi siya nagbabasa ng blog). Tinanong niya ako tungkol sa bago kong trabaho, na nauwi sa ganitong usapan:
Ako: "...usually
nag-sha-shuttle ako, pero minsan nag-ji-jeep ako papuntang Guadalupe..."
Nanay ko: "Pucha, manager ka na, nag-ji-jeep ka pa rin? Ang kunat mo talaga."
Ganun na ba kasama yun?
Actually, makunat talaga ako. Na-realize ko 'to kagabi dahil dalawang taon na akong merong sariling bahay, hindi pa rin ako bumibili ng kama. Buti sana kung maganda yung kutson ko, pero yung gamit ko, yung pinaka-chipipay na kutson na manipis na nabili ko lang sa Shopwise. Dalawang taon na akong natutulog sa kutson na yun.
Labels: hehehe