Tuesday, February 08, 2005

Generation natin

I normally don't like posting forwarded stuff, but this one's really good. Highlighted my favorite items.

Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang Martial Law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero paano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain (first and second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka -relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang Playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?

Comments:

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano (isang kending lasang champoy)

wahahahaha!

"oh nano nano you drive me crazy oh how i love what it does to meeeee, sweet sour and salty nano nano nano nano nano nanooooo" tama ba?

 

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano (isang kending lasang champoy)

wahahahaha!

"oh nano nano you drive me crazy oh how i love what it does to meeeee, sweet sour and salty nano nano nano nano nano nanooooo" tama ba?

[richelle]

 

tinutog ko pa dati yan sa gitara... hehe.Ü

 

Bioman was in English.
HIndi ako naniwalang si Anjo ang Takeshi.
Hindi ko alam yung sa Kool 106.
Alam ko kung paano timpalhin yung Milo nang ganoon ang lasa.
Hindi naman ako nagpauto sa Batibot.
Hindi rin ako nakipag-away dahil sa Brickgame.
At lalong hindi ako nanood ng That's Entertainment!
May rubber shoes akong Mighty Kid pero hindi ito umilaw. Ayoko nung umiilaw eh.
Wala akong Barbie.

 

Yung Nano nano goes like this:
Oh Nano nano you drive me crazy
I really love what it does to me
Sweet, sour and salty
Nano nano, nano nano...nano nanooooooooooooooooo.

 

hahahha! grabe, this takes me back --- sobra, nakakaliw! (please forgive me kung ire-post ko to sa blog ko ito one of these days) :-D cool! :-D

 

re-post ko 'to, ha?

 

Haha! Ang kuleet XD

Following Ardythe's format:

-Fav ko actually yung FiveMan.
-Naglalaro din ang girls ng jackstone at chinese jackstone.
-May kabaong si Barbie??
-"Patrashe" yung first year high school nickname ko XD
-Sobrang nagcrack up ako dun sa "Time First"

 

80's stuff? hmm..

-yung commercial ng johnson wax.
"johnson yata yan! tumatagaaaaaaaal.."

 

Nalimutan yung immortal (dahil napanood ko pa ito last year!) na commercial na:

Dragon Katowl.. Dragon koong oomoosowk, lamowk sigyuradowng teypowk!:p

 

Post a Comment<< Home



ultraelectromagneticblog!
 

Weekly Top Artists - Powered by Last.FM


Subscribe to this blog

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons License.

Powered by Blogger

Listed on BlogShares

Pisay 98 Blog
Pisay 98 Website
Pisay 98 Message Boards

Bookish Bimbo
Brooding Pit
cartwheels seven times around the oval
The Ergonomic Quotient
Fire Light Song
For the Mail!
Garden Fresh
I'm ur pAL!!!
the jembunao experience
life, the universe, and everything
The Mighty Dacs
Pro Gamer to Programmer
Purple World
Riverwind
The Raven and the Stormcrow
The sad success story of the corporate slave
Sakura Mind Speaks
Si Yayan, Si Michel at ang Diwata
Sixteenth Floor
Verbal Diarrhea
The Wandering Geek
Whatever You
The Unbearable Lightness of Being Me

502 Bad Gateway
Across the Green Plains
ako? ako. ako. lagi na lang ako...
Anime West
The Buckfutter Blog
Contrast Medium
Locoflip's Xanga Site
Gaming Nookie
getting by...
Just The Type 2 Have 1
life of a kkmonster
karloCastertroy
the keep
Lock and Load
Memories From Dinner Last Night
Mic Olivares' Blog
Morning Has Broken
Paradiddles
Princess Toni's Enchanted Forest
Random Thoughts
So Lovely
Think, Pats! Think!!

Recent Posts

From Jona
Forums
iGMA.tv
Yup... those are his readers
Remembering
Hippos
Proxy geek post
Work-related LSS
I wasn't on planning on posting, but this was shoc...
Di mo na maalala, kung saan ka pupunta

The story so far

September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from jtordecilla. Make your own badge here.


Home
Instant Pancit Canton
The Prose Portal
Email

A Dose Of Cynicism
Adventures in TV Land
Delusions of Grandeur
first draft
Freedom Sessions
Karmic Backstab
Indulgence
Perpetual Paranoia
Project Manila
Sky of Words
Small Furry Alien
telenobela
TravelKage
walanjo ka daril!


100 tears away
55 Words (and more)
Astig-Mama-Tism
Blogging from the UAE
Car Driver
Chaos Theory
Ederic @ Cyberspace
flatride.com
frances.effronte.org
Howie Severino's Sidetrip
The Life of an Earthbound Angel
Manuel L. Quezon III
Mimi and Karl Wedding Photography
moodswings
na(g)wawala
The New Online Confessions
nitpicky.org
No White Flag
Out of Bed
Pinay by the Bay
Rebel Pixel Productions
sablay.org
the silpur life
the sky sweetheart
Some Kind of Wonderful
Tapuy Moments
thinking about tomorrow
The Year of the Dog Woman
Weapon of Choice

Binibini
Clang-Fu
Four-point Play
The Histrionics of a Balding Drama King
i came, i saw, i blogged
intelektwal interkors
The Jason Journals
Mental Foreplay
Orange Pocket
Paiwinklebloo
Paperbag Writer
Peyups.com
Renaissance Girl
Seasonal Plume

avalon.ph
Bill Simmons
Dave Barry
Digg
Everything
Get Firefox!
Guardian Books
HoopsHype
I, Cringley
IMDB
Inside Hoops
Joel on Software
KDE-Look
Lawrence Lessig
Mark Cuban
Newsforge
Pop Matters
Reddit
Richard M. Stallman
Roger Ebert
Salon.com
Slam! Links
Slashdot
The Onion
The Onion AV Club
Wikipedia
Wil Wheaton