Chorva
Sa dati kong opisina, hindi na rare para sa mga taong gumamit ng salitang
chorva bilang placeholder word para sa mga bagay-bagay. Dulot ito ng lax na environment sa trabaho, pati na rin ng sangkatutak na bading na naglipana sa opisinang nabubuhay sa creative flow ng mga tao.
May isang meeting ako noon, dalawang taon na halos ang nakaraan, kung saan kailangan naming i-present sa presidente ng kumpanya ang marketing plan para sa isang bagong project. Maganda ang naging daloy ng presentation, meron pang astig na video, at sobrang galing ng presentor namin, ang production manager ng creative team. Steady na yung presentation nang biglang sumabit yung production manager namin sa huling bahagi:
Production manager: "And the website would feature a comprehensive portal for the users, and will include videos, photos, blogs, and other social networking..."
At this point, nasa dulo na ng lahat ng dila namin ang kasunod na salita: "
Chorva!" Alam din namin na yun ang gustong sabihin ng production manager namin. Pero siyempre, dahil para sa company president yung presentation, hindi niya masabi.
Production manager: "...and other social networking..."
Buti na lang, nag-step-in yung presidente namin at kinumpleto yung sentence para sa aming lahat.
Company president: "
Chorva?"
Siyempre, hindi lahat ng kausap ko, sanay na sa pag-gamit ng salitang yun. Naalala ko yung incident sa presentation na yun nung isang araw. Tinanong kasi ako ng boss ko kung busy ba ako at kung pwede siyang makisingit ng isang ipapa-interview. Meron akong isa pang appointment sa ilang minuto, ang Manila Cost Efficiencies Initiative briefing.
Ang gusto ko sanang sabihin:
"Sir, hindi ako pwede, meron akong Manila Cost Efficiencies Initiative briefing in a few minutes eh."
Pero ang muntik ko nang masabi:
"Sir, hindi ako pwede, meron akong
chorva in a few minutes eh."
So ang sinabi ko na lang:
"Sige sir, sino ba yang i-interview-hin natin?"
Labels: hehehe