Aksyon!
Nung weekend, sa binyag ng anak ng isang common friend, nag-uusap kami ni Alekos tungkol sa
Hot Fuzz, at napunta ang usapan sa mga action movies-- yung mga action movies na pinapanood ng mga tatay at lolo namin, na kinalakihan nating lahat, na pinapanood mula pagka-musmos sa betamax hanggang sa pagtanda sa mga VHS tapes sa pag-biyahe sa bus. Kelan nga ba tumigil ang Hollywood sa pag-gawa ng mga ganitong action movies?
Bourne Identity? Pfft.
Ilan sa mga 'fond memories' na pinag-usapan namin ni Alekos:
-
Point Break: FBI agent si Keanu Reeves, na in-infiltrate ang sindikato ni Patrick Swayze. Memorable kasi, tangina, si Keanu Reeves, FBI agent? Yung sindikato, surfer slash skydivers slash bankrobbers sila, at habang nang-ho-holdup ng bangko, suot nila ang mga maskara ng American presidents.
Dito galing yung pinaka-kwelang eksena sa Hot Fuzz.
-
Road House: Na-bring-up ko lang dahil hindi pa napapanood ni Alekos. Ako, na-abangan ko lang siya minsan sa Star Movies. Hayop, hindi ko kayang bigyan ng justice sa mga kwento. Panoorin nyo na lang kung makakuha kayo ng kopya - ito ang pinaka-astig na pelikula ni Patrick Swayze (higit pa sa
Point Break,
Ghost, o
Dirty Dancing).
-
Under Siege: Nung pinag-uusapan namin 'to, hindi alam ni Alekos na si Seagal yung cook sa under siege na barko. Nakakatawa kasi nagkaroon pa ng
Under Siege 2; cook pa rin siya.
-
Death Wish: Hindi ko maalala yung title nitong pelikulang 'to nung pinag-uusapan namin, pero naalala ko siya bilang yung pinakasikat na pelikula noon ni Charles Bronson. Kaya ko na-bring up dahil sa plot niya: pinatay yung asawa ni Charles Bronson, tapos ni-rape yung anak niya, kaya naging vigilante siya para maghiganti. Ang matindi dito... nagkaroon ng apat na sequel yung pelikula. Hindi kaya siya naubusan ng ipaghihiganti? Sino yung pinag-higanti niya sa part 5, yung tsimay nila?
-
Executive Decision: Eto yung Steven Seagal-Kurt Russell movie na, tangina, wala pa sa kalahati nung pelikula, namatay na si Steven Seagal. Bwiset. Sa SM ko pa naman to pinanood.
-
Time Cop: Memorable dahil may VHS nito sa dorm, tapos inulit-ulit yung pag-replay dun sa isang sex scene to the point na nasira yung part na yun nung VHS.
-
Sudden Death: Eto, sa SM ko rin pinanood. Para siyang
Speed, pero sa hockey game (at mas astig). Security guard si Van Damme sa hockey arena na nilagyan ng bomba ng mga terorista, tapos pag natapos ang laro, sasabog ang bomba. Eh na-injure yung star goalie ng home team, so kinailangan ni Van Damme na mag-goalie (bukod pa sa pag-gulpi sa mga terrorist). Tanginang yan, parang plot ng Tito, Vic and Joey movie ah.
-
Iron Eagle: Hindi ko maalala yung plot ng
Iron Eagle (
sorry, Top Gun kasi ako eh), so pinaalala sa akin ni Alekos. Basically, yung bida tinulungan ni Lou Gossett, Jr. para magnakaw ng mga Air Force fighter jets para i-rescue yung tatay niya (na nahuli ng mga terrorist sa Middle East). Ang matindi diyan, umabot pa sa part 4 ang Iron Eagle series.
Labels: actionstars, movies